Sunday, May 11, 2014

Naranasan mo na bang..

.

Umutot nang napakabaho sa loob ng classroom at nagsabing "sino umutot?!"

Matakot pumasok sa school dahil late ka na nang 15 minutes lalo na pag terror iyong teacher mo?

Maihi sa iyong underwear dahil sa kakatawa?

Mangulangot at ipahid iyon sa ilalim ng arm rest ng upuan mo sa school?

Kalbitin iyong friend mo pag harap niya maling tao pala?

Gumawa ng sarili mong excuse letter sa school tapos gagayahin mo iyong pirma ng parents mo? o di kaya papapirmahan mo iyon sa classmate mo?


Magpasa ng excuse letter sa teacher mo tapos ang sakit mo "LBM" palagi?

Sumakit iyong hinlalaki mo sa sobrang kakatext?

Magsend to many sa mga numbers na gawa gawa mo para maghanap ng textmate?

Magpanggap na masama pakiramdam mo para pauwiin ka ng teacher mo?

Manghiram ng ballpen sa classmate mo tapos hindi mo na binalik?

Manghingi ng yellow pad tapos ang teacher nasa question number 2 na?

Mag F.L.A.M.E.S C.A.N.D.L.E at ma disappoint dahil "Friends" ang naging resulta? Tapos uulitin mo dinagdag mo na iyong middle names n'yo?

Magbasa sa dilim at gawing ilaw iyong backlight ng cellphone mo?

Mabulunan ng sarili mong laway?

Sumakay ng maling jeep? Hindi ka naman lasing, hindi ka rin naman nearsighted.

Madapa sa isang public place na maraming tao?

Sumuka sa isang fastfood restaurant dahil naparami inom mo?

Mag-ulam ng mantika at soy sauce?

Magjogging na naka tsinelas?

Pumasok sa school na hindi nagtoothbrush?

Humawak sa hand bar ng jeep on instinct tapos hangin iyong nakapa mo dahil wala namang hand bar?

Magdalawang isip mag-hi sa nakasalubong mo dahil hindi ka sure kung siya ba talaga iyong classmate mo nung elementary?

Mag last song syndrome buong araw tapos isang line lang naman iyong paulit-ulit mong kinakanta?

Manood ng horror at ma-praning ng ilang araw?

Manood ng horror at natakot mag-CR mag-isa.

Ma.fail sa isang test kahit nag-aral ka?

Magbayad sa cashier hindi mo naman pala dala iyong wallet mo?

Bumaba ng jeep, nakalimutan mong magbayad?

Sumakay ng jeep tapos hindi mo matandaan kung nakabayad ka ba o hindi pa?

Maligo sa beach pagbihis mo wala ka palang dalang underwear?

Magpasa ng test paper na walang sagot?

Mag-hi sa kakilala tapos hindi ka niya napansin? Iyong feeling na napahiya ka?

Magsulat ng love letter hindi mo naman binigay?

Magconfess sa iyong crush tapos sinabihan kang "friends lang tayo"?

Magbasa ng sentence sa classroom tapos mali iyong pronunciation mo?

Matawa sa maling pronunciation ng teacher mo?

Tamaan ng langaw sa mukha tapos iyong dinadaanan mo maraming tae ng aso?

Matulog sa bus pag gising mo lagpas ka na sa dapat mong babaan?

Magtulug-tulugan para mahimlay iyong ulo mo sa bilikat ng crush mo?

Magbilang ng 1 to 100 para antukin?

Magising 10 minutes na lang late ka na sa school?

Uminom sa baso akala mo tubig datu puti pala?

Kiligin sa reply ng crush mo na "hi din!"?

Makatulog sa kakahintay sa reply ng crush mo?

Gumawa ng project a day before deadline?

Mag-aral sa exam tapos 2am na nasa isang subject ka pa lang eh bukas na iyong test niyo?

Mag-aral at nagsabing iidlip lang ng 5 minutes pag gising mo umaga na?

Gumawa ng project sa bahay ng groupmate mo hindi niyo naman nagawa?

 Naranasan mo na ba?

....


0 comments

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n:

Post a Comment

Popular Posts